Dear Mam Liza,
Ako po ay isang kasampbahay. Tanong ko po sana kung ako po ay pwedeng kuhanan ng PhilHealth ng amo ko? Ikinuha na nga po ako ng SSS pero wala pa po akong pinifilup-an na PhilHealth form.
Paano po ba yon? Paano kung ako ay magkasakit? Umaasa po sa inyong dagling pagtugon.
Salamat po,
Cristy
REPLY: Salig na rin sa bagong batas o ang Kasambahay law, binibigyang proteksyon dito ang mga Kasambahay sa pamamagitan ng pagbibigay ng PhilHealth, SSS at Pag-Ibig membership o mapabilang na miyembro nito.
Sa kasalukuyan ay mayroon na tayong PhilHealth express sa mga malls at ang kaila-ngan lamang ay isama ng employer ang kanyang kasambahay para sa enrollment ng membership.
Layunin ng PhilHealth na ma-enroll at ma-register ang lahat ng kasambahay na mala-king tulong sa kanila at sa kanilang mga dependents.
Sa kasalukuyan din ay pinag-uusapan na ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na huwag nang maningil ng penalty sa mga newly registered kasambahay ngunit matagal nang naninilbihan sa kanilang mga employer.
Dr Israel Francis
A. Pargas
OIC-Vice President, Corporate Affairs Group,PhilHealth
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!