BFP nag-donate ng bahagi ng suweldo para sa apektado ng COVID-19

NAG-DONATE ng bahagi ng kanilang susuwelduhin sa Mayo ang mga empleyado ng Bureau of Fire Protection para matulungan ang mga informa sector at ang mga ospital ng gobyerno.

Sa inilabas na pahayag ng BFP, otomatikong kakaltasin sa suweldo ang donasyon ng mga empleyado. Ang fund raising drive ay tinawag nilang “BFP Bayanihan to Heal as One Challenge”.

Para sa mga Non-Uniformed/Non-officer ang ikakaltas na donasyon ay P500; F/Inspector ay P1,000; Senior Inspector ay P1500; Chief Inspector ay P2000; Superentindent ay P2500; Senior Superintendent ay P3000; Chief Superintendent ay P4,000; at Director- P5000.

“BFP targets the informal sector and government hospitals as beneficiaries,” saad ng BFP.

Nauna ng nagbigay ng donasyon ang mga pulis at sundalo.

Read more...