Pacquiao vs Crawford posible – Arum

Manny Pacquiao at Bob Arum

MALAKI ang posibilidad na magharap ang dalawa sa pangunahing welterweight boxers na sina Manny Pacquiao at Terence Crawford at ito ay ayon na mismo kay Top Rank chief Bob Arum.

Matapos na balewalain ang posibleng title unification bout sa pagitan nina Pacquiao at Crawford halos isang buwan na ang nakalipas, sinabi ni Arum na posible umanong mangyari ang megafight.

Sinabi pa ni Arum sa panayam ng iFL TV kamakailan na ang Pacquiao-Crawford fight ay isa sa mga laban na inaayos nila.

“It’s one of the things that we’re working on,” sabi ni Arum.

“Pacquiao wants to fight Crawford and Crawford wants to fight Pacquiao.”

Ang 32-anyos na si Crawford (36-0, 27 knockouts), na hawak ang WBO crown, ay pinatumba si Egidijus Kavaliauskas ng Lithuania sa ikasiyam na round sa kanyang huling laban apat na buwan na ang nakakaraan.

Ang 41-anyos na si Pacquiao ay huli namang lumaban kay Keith Thurman noong Hulyo 2019 kung saan nauwi niya ang WBA (super) crown.

Read more...