ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa magnitude 4.1 ang lindol na yumanig sa Isabela kaninang umaga.
Sa inilabas na Earthquake Information 2 ng Phivolcs kaugnay ng naturang lindol ay nadagdagan din ang listahan ng mga lugar na nakaramdam ng pagyanig.
Ang epicenter ng lindol ay pitong kilometro sa kanluran ng San Mateo. May lalim itong 18 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa San Mateo.
Intensity II naman ang naitala ang aparatu ng Phivolcs sa Santiago City.
Intensity I ang naramdaman sa Cabatuan at Cauayan City, Isabela.
MOST READ
LATEST STORIES