Iza Calzado…COVID survivor: Pagkatapos ng lahat, gusto kong sumayaw uli

IZA CALZADO

NALUHA ang aktres na si Iza Calzado habang iniinterbyu ng mga momshie na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros sa “Magandang Buhay.”

      May kakaibang saya raw na naramdaman si Iza sa pagsasabi ng ‘Magandang Buhay’ pagkatapos ng sinuong niyang pagsubok dulot ng COVID-19.

     “Alam mo, kapag sinabi mo ngayon ‘magandang buhay,’ iba ang pakiramdam, after I’ve been through a life and death situation na parang, hinarap mo, ‘Ah, pwede na akong pumanaw,’ yung ganoon, yung papunta na doon.

“Kapag sinabi mong magandang buhay, iba yung konteksto niya talaga,” panimula ni Iza.

    Ikinuwento ng aktres kung bakit na-delay ng ilang araw ang paglabas niya sa programa ng tatlong momshie 

   “Umuwi ako ng Tuesday, hanggang Thursday, ang pagsasalita ko iba pa. Nanginginig pa. Kasi, yung antibiotic (na ipinainom sa kanya) sobrang strong pa,”  lahad ni Iza.

    Kwento pa niya, sa loob ng siyam na araw sa ospital, ang kanyang asawa na si Ben Wintle ang nagbantay sa kanya, “Hindi ko ide-deny yun. PUM (person under monitoring) siya, but he was never a PUI (person under investigation), Ikaklaro ko lang po,” say ni Iza.

     Ilang beses daw silang humingi ng test para kay Ben pero wala raw ni isang sintomas ng COVID-19 si Ben. 

    

    Pagkatapos mabalita na nagkasakit si Iza at naging positibo sa killer virus, may kumalat na balita na diumano’y hindi raw pinapapasok sa condominium na tinitirhan  nila si Ben.

    Inamin naman ni Iza ang pagkakamali niya na hindi agad pagpapa-check-up sa doktor kahit hindi pa niya napi-feel ang isa sa mga sintomas ng COVID-19 patient which is yung hirap sa paghinga. 

    “Hinayaan ko,” pag-amin niya. “Meron din kasi akong ano noon, e, di ba yun yung time na sinasabi  nilang limited ang test kit? Tapos , siyempre, parang dyahe ka na baka isipin nila, ‘O, ayan yung artista, tapos uunahin kasi artista siya, di ba? So, dyahe na ako na ayaw ko nang makigulo sa ospital. Alam ko na marami ang nangangailangan,” aniya pa.

   Pero na-realize na kapag ganu’ng punto pala kailangan ding isipin ang sarili lalo pa’t one week na raw siyang inuubo, nilalagnat at walang ganang kumain. 

   Ang nakadagdag pa sa hirap ni Iza ay ang pagkatuklas ng mga doktor na meron siyang “bacteria” sa lalamunan bukod pa sa COVID-19.  Kaya raw hindi muna siya tinest  at inuna muna kung paano aalisin ang bacteria sa katawan niya.

At nu’ng tinest siya, nag-positive siya sa COVID-19 pero mabuti na lang at agad din siyang nag-negative.

   “Unang-una po, sa bingit, kumbaga, kung nasa life and death situation ka, yung mga materyal na bagay,” sabay iling ni Iza.

   “Hindi natin pwedeng i-deny na, of course, I was being well-taken care of in a good hospital. So, if you think about it, yes. Of course, sasabihin ng tao na, e, mayaman ka. Kumbaga, may pera kang pang-ospital. And I wish that everybody, lahat tayo may access doon,” aniya pam

    That’s the ultimate goal daw sana sa bansa natin ba wala sanang Pilipino na hindi pwedeng makapunta sa ospiral at iisipin na wala silang pambayad kaya hindi sila pupunta ng ospital. 

    “I wish everybody had an access to that kind of health care. But that’s of course, an entirely different topic and we would want that for the new Philippines, di ba?” sabi ni Iza.

  Pagkatapos daw ng lahat ng ito, or even habang nangyayari ang COVID-19 pandemic, ma-realize natin na hindi importante ang materyal na bagay sa buhay.

    “Hindi yun ang hahanapin mo, e. May nag-leak na nga na video  ko, e. It was actually, a very personal video. I don’t even want to question how it leaked na lang, but nu’ng sina-shampoo ako nu’ng nurse? 

“Kasi, mga lima o apat na araw na ako na walang shampoo. At hindi ko alam napwede mo pala i-avail yun. So, nu’ng in-offer niya, yung hitsura ko talagang, ‘Seryoso ka ba?’ Yung ganoon. Kasi, amoy ko na yung anit ko. At aminin natin, Pilipino tayo. Alam ninyo ‘yan, ang Pilipino ang pang-amoy, iba,” kuwento ng aktres.

   Isa lang daw talaga ang nilu-look forward niya paggaling, “Gusto kong sumayaw ulit, yung ganoon. Ang basic, di ba?”

   

                                

                            

    

Read more...