Duterte nagbabala ng mala-martial law na lockdown

NAGBABALA si Pangulong Duterte sa publiko na mala-martial law ang ipatutupad niyang lockdown sa sandaling tumaas pa ang bilang ng mga nagsislabag sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad ng gobyerno.

Ginawa ng pangulo ang babala kasabay ang pag-apela sa publiko na maging disiplinado habang nilalabanan ng pamahalaan ang coronavirus disease (COVID-19).

“I’m just asking for your disiplina. Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, magtake-over ang military pati ang pulis. I’m ordering them now to be ready. Sila na. Parang martial law na rin. Mamili kayo,” pahayag ni Duterte sa kanyang public address.

“Di tayo kaibigan, di tayo kapartido, ayaw niyo sa akin edi okay lang. Pero ngayon, ano mang partido mo, o ano mang kulay mo, sumunod ka kasi pag hindi ang kaharap mo sunod ang militar pati ang pulis,” pahayag ni Duterte.

Una nang inihayag ng Malacanang na posibleng magdeklara ito ng “total lockdown” kapag patuloy pa rin ang paglabag ng mga tao sa enhanced community quarantine.

Umabot na sa 100,000 ang naitalang lumabag sa Luzon-wide quarantine.

 

Read more...