COVID-19 ikinakalat ng aircon

LUMABAS sa isang pag-aaral sa China na maaaring maikalat ang corona virus disease (COVID -19) ng air conditioning.

Ang pag-aaral, na inilathala ng  Centers for Disease Control and Prevention (CDC) website at  inaprubahan ng Ethics Committee of the Guangzhou Center for Disease Control and Prevention, ay ibinase sa 10 kaso ng COVID-19 mula sa tatlong pamilya na sabay-sabay kumain sa isang restaurant sa Guangzhou, China.

Napag-alaman na “naitulak” ng hangin mula sa aircon ang droplet na may impeksyon sa tatlong mesa kaya nahawa ang mga kumakain.

Dumating umano ang “pasyente” mula sa Wuhan noong Enero at kumain sa restaurant kasama ang tatlong kapamilya. Kumakain din noon ang dalawa pang pamilya na nasa kalapit na mesa na wala pang isang metro ang layo.

Kinalaunan ng araw na iyon ay nagkaroon ng lagnat at ubo ang “pasyente” at lumabas na positibo sa virus nang magpa-checkup. Noong sumonod na buwan ay siyam na iba pa mula sa tatlong pamilya ang nagkasakit.

Ang tanging pinanggalingan ng exposure ng tatlong pamilya ay ang “pasyente” sa restaurant.

Base sa pag-aaral, mayroong aircon vent sa dalawang gilid ng restaurant at halos isang oras magkakadikit sa establisimento ang tatlong pamilya.

Lumabas sa pag-aaral na nagkaroon ng hawahan hindi lang dahil sa droplet transmission.

“Larger respiratory droplets remain in the air for only a short time and travel only short distances, generally. The distances between the index patient and persons at other tables were all less than one meter. However, strong airflow from the air conditioner could have propagated droplets from table to table.”

Naniniwala ang pag-aaral na “key factor” sa impeksyon ang direksyon ng hangin. “To prevent the spread of COVIF-19, restaurants should increase the distance between tables and improve ventilation.”

Read more...