PROUD na proud si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Syrian “adopted son” na hindi rin tumitigil sa pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ang tinutukoy ni Sharon ay ang sikat na vlogger na si Basel Manadil o mas kilala sa social media bilang si The Hungry Syrian Wanderer.
Isa si Basel sa napakaraming mga foreigner na na-in love nang bonggang-bongga sa Pilipinas kaya naman tinawag na rin siyang “adopted son of the Philippines.”
Kamakailan, ipinagmalaki ni Mega ang ginagawang pagtulong ni Basel sa mga Filipino lalo na kapag may krisis o problemang kinakaharap ang bansa. Tulad ng mga kilalang celebrities, agad ding namamahagi ng ayuda ang Syrian vlogger sa mga nangangailangan.
Tulad na nga lang ng ipinamigay niyang boxes of vegetables na siya mismo ang nag-prepare. Ipinost pa niya ito sa Instagram.
“Buying tons of vegetables to give away to our Kababayan. Im having a break from giving canned goods, mas masustansya kung kakain po tayo ng gulay and at the same time we help farmers by buying their products.
“I managed to buy second hand boxes, made them myself and repacked everything in 1 day. Simpleng kontribusyon ko po sa mga Pilipino na aking tinuturing na Kababayan,” mensahe ni Basel.
Ayon kay Sharon, sana’y dumami pa ang tulad ng kanyang “adopted son” na unconditional ang ibinibigay na pagmamahal sa mga Pinoy kahit na nga isa siyang banyaga.
Sa kanyang Instagram, pinasalamatan muli ng Megastar ang kilalang vlogger sa pagtulong sa mga naapektuhan ng killer virus, lalo na ang mga frontliners at nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.
“I’ve made friends with a few other YouTubers. Some are here, some non-Pinoy. You must visit and watch the vlogs of my new ‘adopted son’, Basel of @thehungrysyrianwanderer.
“He is from Syria and has lived in Manila for around 7 years now. You will be touched by his heart to help his ‘kababayans’ in his adopted country,” caption ni Mega sa isang litrato ni Basel na kuha sa isinagawa niyang relief operation.
Pagpapatuloy ng singer-actress, “Mapapahiya ka kung Pilipino ka at wala ka man lang natutulungan kahit isang tao. Siya pang foreigner ang tulong ng tulong.
“We have been in touch for about a month now. He has an Instagram account too but please watch his YouTube vlogs. Good job, son!
“God will bless you more and more. You have a beautiful heart. Thank you for loving all of us Filipinos! Lots of love, Inay,” aniya pa.
Nag-reply naman ang Hungry Syrian vlogger sa post ni Shawie at nangakong makikipag-collaborate na sa kanya sa susunod niyang vlog, “Thank you, Inay. I will join your vlog soon hehe.”