DAPAT umanong ikonsidera ng gobyerno ang paglilipat ng mga empleyado sa branch ng kanilang kompanya na malapit sa bahay nito.
Ayon kay ACT-CIS Rep. Niña Taduran dapat magkaroon ng komprehensibong plano sa patulong sa mga maliliit na negosyo at kanilang mga empleyado at makapag-adjust sa “new normal”.
“The government and private companies should also do job and place matching. Kung ang manggagawa ay nakatira sa Manila at nagtatrabaho siya sa Pasig, at kung may branch naman ang kanyang ahensya o kumpanya sa Manila, doon na lang siya ilipat, para mas malapit siya sa kanyang pagta-trabahuhan,” ani Taduran.
Kailangan din umanong bigyan ng bagong skills ang mga nawalan ng trabaho upang makahanap ng mapapasukan ang mga ito.
“Work from home should be supported by the respective government agencies and companies by providing their employees with equipment necessary to accomplish their tasks.”
Maaari rin umanong ipagpatuloy ang mga rolling stores sa bawat barangay para mabawasan ang bilang ng mga tao na pumupunta sa mga palengke.
“We should accept the fact that we can not entirely go back to what we used to do especially with the social distancing and the reduced capacity in public transportation. Unemployment is predicted to be at 8% this second quarter. We should do something so the people can get back on their feet as they adjust to this situation brought by Covid-19,” dagdag pa ng lady solon.