Ospital sa QC balik operasyon na

BALIK-operasyon na ngayong araw ang Rosario Maclang-Bautista General Hospital.

Tiniyak ng pamunuan ng ospital na nasa Brgy. Batasan Hills na ligtas at malinis na ang pasilidad na dumaan sa masinsing disinfection at sanitation.

“Sa mga nangangailangan ng agarang pagkonsulta, magpunta lang sa ating Emergency Room na bukas anumang oras, araw-araw,” saad ng advisory ng ospital.

Noong Linggo ay isinara ang ospital matapos na mahawa ng coronavirus disease 2019 ang mga doktor at staff nito.

Sumailalim ang mga frontliners na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa self quarantine.

Read more...