Mass testing sa Valenzuela: 5 nagpositibo sa COVID-19

LIMA katao na pinagsususpetsahan na May Covid-19 ang nagpositibo sa coronavirus disease sa isinagawang mass testing ng Valenzuela City, ayon kay Mayor Rex Gatchalian.

Sa ikalawa at ikatlong resulta ng kanilang mass testing na isinagawa ng The Medical City, lima sa 40 residente ang positibo.

Ayon kay Gatchalian, inilagay na sa lockdown ang mga bahay ng mga nag-positibo.

“Today we got the 2nd and 3rd results of our mass testing from the Medical City. 5 of our residents tested positive of the 40 results. Their houses have been on lockdown naman. We will give them the medical intervention they need.”

Sa resultang ito, naalarma si Gatchalian dahil ang mga na test ay mga suspected.

Sa bagong klasipikasyon ng Department of Health, pinalitan na ang terminong patients under investigation at patients under monitoring ng suspect case, probable case at confirmed case.

Ipinadala na ni Gatchalian ang datos sa DOH.

Sa isa pang tweet nanindigan ang mayor ng Valenzuela na ang pag-alis ng mga PUM bilang ‘a must test category’ ay maaaring mag-pakawala ng carriers ng COVID-19 sa populasyon.

Sisiguraduhin naman nya na itetest ang mga PUM sa Valenzuela para makasigurado.

 

Read more...