Nurse na nag-alaga kay Howie Severino nakagawa ng COVID dokyu 

NAG-AARAL magsayaw ang Kapuso teen star na si Jillian Ward habang nasa enhanced community quarantine ang Metro Manila at buong rehiyon ng Luzon.

      Pagdating sa pagkanta ay may pruweba na riyan si Jillian kaya mas kinakarir niya ngayon ang pagsasayaw.

Bukod sa paghataw, isa pa sa pang-alis niya ng bagot at boredom during lockdown ay ang panonood ng movies, playing games, exercise, reading books at siyempre ang matulog!

      Sa nangyayaring health crisis sa buong mundo, saad ng isa sa bida ng afternoon series ng GMA na Prima Donnas, “I realized na most people take life for granted na po sometimes.

      “Life is really short and we should start spreading more love, knowledge, joy and appreciation,” pahayag pa ni Jillian.

* * *


Malaki ang pasasalamat ng award-winning broadcast journalist na si Howie Severino sa mga medical frontliner na nag-asikaso sa kanya habang nakikipaglaban sa COVID-19. 

 Sa panayam ni Atom Araullo kay Howie sa Stand for Truth, ibinahagi nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “strong internal life” o yung kakayahan mong i-entertain ang sarili mo at maging positive sa panahon ng pagkakasakit. 

Buti na lang daw at ‘yung nurse na nagbabantay sa kanya ay mahilig sa basketball at documentary—dalawang bagay na gusto rin ni Howie. Sa katunayan, pangarap pala ng nurse na nabanggit ang gumawa ng dokyu. 

Kaya naman si Howie, ini-encourage ang nurse na tuparin ang pangarap nito. Tinuruan pa ng batikang dokumentarista ang nurse kung paano gumawa ng isang documentary at nagprisenta pang maging subject mismo nito sa pagdokyu ng buhay-frontiners.

 “Hindi mo naman kailangang mag-shoot ng ibang pasyente. Nandito ako,” sabi ni Howie nang mag-alinlangan ang nurse dahil sa isyu ng privacy. 

Sa kanyang pagiging COVID-19 patient, lalong napagtanto ni Howie ang ibang antas ng pagsasakripisyo ng mga frontliner. Bukod sa risk at pagod, marami ang hindi na makauwi dahil malayo ang tirahan o dahil itinataboy ng mga kapit-bahay. Napakalaki nga raw ng stigma na nararanasan nila ngayon. 

“Kaming mga survivor, medyo magiging malaya na kami. Pero sila, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang misyon.” Kaya naman, si Howie, hindi pa man 100% fully recovered, walang tigil na sa pagbabahagi ng kanyang karanasan bilang COVID-19 survivor. 

Sa Sabado (April 18), idedetalye ni Howie ang kanyang karanasan bilang si Patient 2828, sa pamamagitan ng special documentary sa I-Witness kung saan mapapanood ang mga kuha ng kanyang nurse.

Read more...