Ellen Adarna full-time mom: I have to think about my son all the time

INAMIN ni Ellen Adarna na napakalaki ng pagbabago sa kanyang buhay nang dumating sa buhay niya ang anak na si Elias Modesto.

Ayon sa dating sexy star, umiikot ang mundo niya ngayon sa kanyang anak at sa negosyo ng kanilang pamilya.

Pagkatapos ng relasyon nila ni John Lloyd Cruz, ang tatay ni Elias, nag-concentrate na si Ellen sa pagiging nanay at wala pa raw siyang balak na bumalik sa mundo ng showbiz.

“Well I’m working now for my family so I don’t plan to go back to showbiz anytime soon.

“Not in the next seven years. And I don’t have plans with vlogging as well. So my life is really not as interesting as it was.

“Right now I am a full-time mom. I put my baby to sleep, I feed him, and in the afternoon when I go to work, he goes with me to the office and that’s my life,” ang paliwanag ng dating aktres sa panayam ni DJ Mo Twister.

Inamin ni Ellen na paminsan-minsan ay nagha-happy-happy pa rin siya kasama ang kanyang mga kaibigan.

“You know the old me is still in me but it’s more controlled. I’ve learned how to control it but it comes out every once in a while. (I miss) how free-spirited I was and how I had no worries. 

“But now I’m a mom. I have to think about my son all the time. I’m a professional worrier now. Ha-hahaha!” chika pa ng ex dyowa ni Lloydie.

Natanong din siya kung may chance ba na malaman pa ng madlang pipol ang tunay na nangyari sa kanila ni John Lloyd at kung ano ang dahilan ng kanilang break-up.

 “That’s a hard thing. Probably. When sh*t really hits the fan I probably will,” natatawang sagot ni Ellen.

Gagawin daw niya ang lahat para sa kanyang anak at wala rin siyang plano na isapubliko ang nangyayari sa bata. Pero aniya, pagdating ng tamang panahon ay hahayaan niya si Elias na magdesisyon para sa kanyang sarili.

“He will decide but now he can’t yet right? So I want to have a choice. There are pictures of him though, it’s been circulating but I don’t want it coming from me or his father,” pahayag pa ni Ellen.

Read more...