SUCCESSFUL ang naging donation drive ng Kapuso star na si Gabbi Garcia na “Pay it Forward PH” matapos makalikom ng malaking halaga para sa frontliners mula sa Pasay at Parañaque hospitals.
Kamakailan ay nag-umpisa nang mamahagi ang grupo ni Gabbi ng 400 personal protective equipment (PPE) suits para sa healthcare workers ng Ospital ng Parañaque 1 at Pasay City General Hospital. Sinamahan din nila ito ng higit dalawang libong face masks, face shields at food supplements.
Umaapaw ang saya sa puso ni Gabbi sa nagawang pagtulong. Ipinakita niya ang mga ipinadalang gamit sa kanyang Instagram stories at pinasalamatan ang lahat ng nag-abot ng kanilang donasyon.
Ongoing pa ang pagkalap ng tulong “Pay it Forward” para matugunan pa ang ibang pangangailangan ng mga bayaning frontliners sa bansa.
For more info on how to help, pumunta lamang sa mga social media pages nu Gabbi. Samantala, patuloy na napapanood ang dalaga bilang si Alena sa 2016 remake ng “Encantadia” na muling ipinalalabas sa GMA Telebabad gabi-gabi
* * *
Nanawagan ang Kapuso actress na si Max Collins sa kanyang fans para abutan ng tulong ang mga kababayan na nakatira sa Boracay na apektado ng global pandemic na COVID-19.
Dahil sa enhanced community quarantine, malaki na ang nalugi ng mga kabuhayan sa tourist destination kaya naman humihingi ng suporta ang aktres sa mga followers niya sa Instagram.
Ito’y para sa isasagawang food drive para sa mga mahihirap na pamilya sa Boracay na walang kakayahan bumili ng sapat na pagkain dahil sa pansamantalang kawalan ng trabaho.
Nakatataba ng puso na makita si Max na abala pa rin sa pag-iisip sa kapakanan ng kanyang kapwa kahit na nagdadalang-tao ito.