SINABI ng pamunuan ng Social Security System(SSS) na simula Abril 24 maaari nang makapag-avail ang mga miyembro nito ng calamity loan.
Ayon kay SSS Acting VP for Public Affairs and Special Events Division Fernando Nicolas maaaring mag-aplay online ng P20,000 calamity loan ang mga miyembro nito.
Nauna nang nagdeklara si Pangulong Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Babayaran ang calamity loan sa ikaapat na buwan matapos namang maibigay ito sa miyembro at huhulugan sa loob ng 24 buwan.
Wala ring service charge na ipapataw ang SSS at tanging ang regular 10 percent per annum na interes lamang ang sisingilin.
Pinapayuhan din ang mga miyembro na mag-open ng bank account kung saan ihuhulog ang calamity loan.
Sinabi ni Nicolas na inaprubahan ng Social Security Commission ang bank crediting implementation.
“Matagal bago dumating ang check bukod pa sa mahirap mag-encash kaya pinapayuhan ang mga miyembro na mag-open na lamang ng account sa bangko at doon ipapasok ang pera,” ani Nicolas
Maaaring mag-enroll at mag-apply sa sss.gov.ph, My.SSS para sa calamity loan.