Baron Geisler kay Ping Medina: Ni-rape niya ex-girlfriend ko…reason why I peed

Baron

HOT issue ngayon sa social media ang rebelasyon ni Baron Geisler laban sa character actor na si Ping Medina.

“True. My ex was raped by him and his friend,” ang pasabog na tweet ni Baron patungkol nga kay Ping.

“[The] reason why I peed,” ang dagdag pa ng controversial Kapamilya actor nang mabasa ang post ng ilang netizens na nagsasabing “nabiktima” sila ni Ping.

Babala ng isang netizen na may user name na @juhgnn, “Be warned: Ping Medina sends unsolicited dick videos potentially nonconsensually leaked ones, verbally abuses girls to have sex with him [aka coercion].

“He’s on Twitter too and mostly targets girls from Katipunan and he’s known to hang out at Cubao Expo too.”

“He has a history of his behavior which resulted in him getting kicked out from Ateneo. He still hasn’t learned his lesson, obviously. 

“People have reached out to me or are speaking out. Feel free to dm me about it if you’re uncomfortable. I won’t post anything that you’re not comfortable,” pahayag pa ng netizen.

Dahil dito, naging isa sa top trending topic sa Twitter ang pangalang “Ping Medina”.

Kung matatandaan, nagkaroon ng bangayan sa pagitan nina Baron at Ping nang magsama sila sa pelikulang “Bubog” noong November, 2016.

Inireklamo ni Ping si Baron dahil inihian siya nito sa isang eksena nila na wala naman sa script. Nag-post pa ang aktor sa kanyang Facebook account tungkol sa nangyari.

 “Nakagapos na ang mga kamay at paa ko. Naka-prepare na ako emotionally dahil papatayin na ako dito.

“Pero bago mag-take, may narinig akong sinabi ka, ‘May gagawin ako sa’yo Ping ah. Sana ‘wag ka magalit.’

“Umagos ito. Basang basa ang shirt ko. Umagos ito hanggang sa bibig ko. Buti may nakatakip na tape. One take lang dapat ang eksena so sinubukan kong mag-stay in character.

“Pero at the same time nawawala na ako sa character. Umiiwas na ako sa agos ng ihi, pero di ako makagalaw,” lahad ni Ping.

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Ping. Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ng aktor.

Read more...