2 pugante timbog

BALIK-kulungan ang dalawa sa pitong preso na tumakas mula sa

Cebu Provincial Police Office alas-11 ng gabi Martes.

Ayon kay Col. Roderick Mariano, CPPO director, naglalakad palayo ng presinto sa Brgy. Sudlon ang pito nang maispatan ng mga pulis.

Nasakote ang dalawa subalit nakatakas ang lima.

Tinutugis na ang mga natitirang pugante, ani Mariano.

Nahaharap ang pito sa kasong may kaugnayan sa droga. Nadakip sila sa magkakahiwalay na operasyon sa Talisay City at sa bayan ng Dumanjug.

Nakatakas ang pito sa pamamagitan ng pagsira sa pader ng piitan.

Ayon sa tatlong pulis na naka-duty na hindi nila namamalayan ang ginagawa ng mga preso.

Isasailalim sa imbestigasyon ang tatlo, ani Mariano.

Read more...