Walang patid na suplay ng tubig at kuryente ngayong lockdown tiniyak

TINIYAK ngayon ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig at kuryente habang epektibo ang lockdown sa Luzon.

“The National Water Resources Board reports that it has given the full water allocation of 46 cubic meters per second to MWSS from the Angat Reservoir until April 30, 2020 to ensure the continuous supply of water in Metro Manila,” sabi ni Nograles.

Nauna nang tiniyak ng Manila Water ang walang patid na suplay sa mga sakop na lugar nito, samantalang nagpapatupad pa rin ng water interruption ang Maynilad.

“Kaya makakaasa po tayo na tuloy-tuloy po ang daloy ng tubig dito po sa NCR sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine o ECQ,” dagdag ni Nograles.

Kasabay nito, tiniyak ni Nograles na sapat ang suplay ng kuryente sa buong Luzon sa harap naman nararanasang lockdown.

“We have an available capacity of 11,795 MW, which is greater than the actual peak demand of 7,323 MW in Luzon. This means we currently have an excess capacity of 4,742 MW. Lubos din ang suplay natin ng kuryente dito po sa Luzon,” sabi pa ni Nograles.

Read more...