SISIMULAN na ng San Juan City ang mass testing para sa mga suspected case ng coronavirus disease o COVID-19, na inanunsyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Mayor Zamora gagamitin ang Polymerase Chain Reaction (PCR) COVID-19 test kits sa tulong ng Department of Health at Research Institute for Tropical Medicine.
“MAGANDANG BALITA SAN JUAN! Kakatapos lang po ng ZOOM meeting namin nina Executive Secretary Salvador Medialdea, COVID 19 National Task Force Chief Implementor Sec. Carlito Galvez, MMDA GM Jojo Garcia, DOH at mga Metro Manila Mayors. Magkakaroon na po ang Lungsod ng San Juan ng MASS TESTING gamit ang mga Polymerase Chain Reaction (PCR) COVID-19 test kits sa pamamagitan ng DOH at RITM. Ito ay para sa lahat ng PUIs na San Juaneño.” ani Zamora.
Abiso nya, ang mga PUI ay kinakailangan lamang makipag-ugnayan sa City Health Office o sa barangay captain, para ma-ischedule na ang test para sa COVID-19.