NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Batanes kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ayon sa Phivolcs naramdaman ang lindol alas-10:01 ng umaga. Ang epicenter nito ay 66 kilometro sa silangan ng Sabtang. May lalim itong walong kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Basco, Ivana, Mahatao, Uyugan at Basco sa Batanes; at Calayan, Cagayan.
Intensity II naman ang naramdaman sa Itbayat, Batanes.
MOST READ
LATEST STORIES