Barangay polls gawin sa 2022 para pasaway na opisyal pagbayarin

DAPAT umanong pagbayarin ng publiko sa eleksyon ang mga opisyal ng barangay na walang ginagawa para mapaganda ang kanilang kalagayan ngayong ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo dahil sa dami ng nagrereklamo ngayong sa kanilang mga barangay ay masasabi na mali ang ginawa ng Kongreso na ipinagpaliban ang halalan ng barangay noong Disyembre.

“The barangay and SK elections should be held early next year or middle of next year after this COVID-19 crisis has passed,” ani Tulfo. “Postponing the barangay and SK elections so far into the future in December 2022 was a mistake. Mistakes can be corrected. Let us correct this soon.”

Itinakda ng Kongreso ang susunod na Barangay at SK elections sa Disyembre 5, 2022.

“Waiting for December 5, 2022 for the barangay and Sangguniang Kabataan elections would be torture for the millions of Filipinos whose village officials are performing dismally and whose incompetence was exposed during this COVID-19.”

Sinabi ni Tulfo na walang dapat na ikabahala ang mga opisyal na nagbigay ng maayos na serbisyo sa kanilang mga kabarangay dahil muli itong maihahalal o kung hindi man sila maaaring tumakbo ay magiging malakas na kandidato ang kanilang ieendorso.

“Having the village elections on December 5, 2022 will only serve to make voters forget about how terrible their incompetent local officials were when they were needed to step up.”

Read more...