PICC temporary health facility na-turn over na ng DPWH sa PNP Medical Corp

PICC

NA-turn over na ng Department of Public Works and Highways sa Philippine National Police Medical Corps ang Philippine International Convention Center (PICC) Forum Halls sa Pasay City na ginawang temporary health facility .

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar ang makeshift hospital ay mayroong 294 patient cubicles at anim na nurse stations.

Naglagay din ang DPWH ng anim na smart houses sa labas ng Forum building na maaaring magamit ng mga health workers.

Sinimulan na ring ikabit kanina ang mga hospital beds at iba pang medical equipment gaya ng IV stands, wheelchairs, at defibrillators sa temporary health facility.

Ang PNP Medical Corps ang mangangasiwa sa pasilidad.

Ang DPWH sa tulong ng EEI at Vista Land Group ang gumawa ng civil works ng PICC health facility at natapos ito ng mas maaga ng tatlong araw sa deadline.

Read more...