DILG sa LGU, PNP: Non-essential business establishment isara

INUTUSAN ng Department of Interior and Local Government ang mga local government units at Philippine National Police na isara ang mga non-essential business establishments.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año nakarating sa kanya ang mga impormasyon na may mga negosyo na nagbukas na kahit hindi pa pinapayagan.

“If there is resistance or disobedience to authorities, the PNP has the authority to make arrests. Nasa gitna tayo ng state of public health emergency at kalamidad. Ang mga pasaway ay maaaring arestuhin sa paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code (RPC). The law punishes resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person,” ani Año. “Make sure that business establishments that are not allowed to operate under IATF guidelines remain closed. The ECQ is still in full force and effect. There is no partial lifting whatsoever. Our country will heal as one if and only if the government, the private sector, and the people stick to the strict enforcement of ECQ.”

Sa ilalim ng DILG Memorandum Circular 2020-062, ang mga pinapayagan lamang magbukas ay ang mga negosyo na may kinalaman sa pagkain, gamot, tubig, bangko, remittance center, energy, telecommunication, at iba pang essential business companies.

Sa ilalim ng Article 151 ng RPC ang mga hindi susunod ay may parusa na isa hanggang anim na buwang kulong at hanggang P100,000 multa.

Maaari rin silang maharap sa paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act (RA 11332) na may kaparusahang anim na buwang pagkakakulong at multang P50,000.

“Sa halip na makipaggirian pa sa otoridad, makiisa po tayo sa pagsunod sa ECQ. Iyon na lamang po ang ambag ninyo. Isipin ninyo na lang po ang mga frontliners na isinusugal ang kanilang buhay samantalang ang pagsunod lamang sa ECQ ang inyong simple ngunit importanteng papel sa krisis na ito. Bayan muna, bago negosyo. Disiplina muna para tayo’y makaahon sa pagsubok na ito,” saad ng kalihim.

Read more...