Dingdong nasampolan ng gupit-Marian; yoga pangontra ni Ina Feleo sa anxiety, stress  

SINAMPOLAN ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes sa itinatago niyang talent pagdating sa panggugupit.

     Lumabas ang pagiging barbero o hair stylist ni Yanyan ngayong panahon ng enhanced community quarantine.

      May blow-by-blow video ang Kapuso Primetime Queen sa ginawa niyang paggupit sa buhok ni Dong na kanyang ipinost sa Instagram Stories gamit ang razor, gunting at suklay.

      Ipinagmalaki naman ni Dong sa publiko ang bagong haircut courtesy of his loving and talented wife.

      “Satisfied naman daw siya sa gupit ko. LOL!” caption ni Marian sa picture ng asawa matapos niya itong gupitan.

      Agad namang nagpa-schedule  kay Marian ang ilang netizens na willing maghintay ma-feel lang ang Marian’s haircut, huh!

* * *

                                    

Bunsod ng COVID-19 outbreak, inamin ni Ina Feleo na nakararanas siya ng anxiety attack at stress. 

Sa isang Instagram post, sinabi ni Ina na effective ang pagwu-workout at daily yoga bilang panlaban dito. 

Aniya, “Haven’t been skipping my daily yoga (self challenge for April). Being in the moment, and finding your breath helps a lot with anxiety and stress.”

Sey ng netizens sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit actress, inspiring daw ang workout videos niya at  dahil sa kanya ay namo-motivate rin silang maging active at fit ngayong nasa ilalim ang Luzon ng enhanced community quarantine.

                                          

 

 

Read more...