NAGPA-QUESTION and answer session ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa kanyang social media account para pangtanggal bagot sa ipinatutupad na lockdown.
Sinagot ng dalaga ang ilang tanong ng netizens kabilang na ang tungkol sa kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok.
May isang fan si Rhian ang nagtanong kung may alam nang Tagalog words ang dyowa niya at kung hindi ba issue sa relasyon nila ang magkaibang kultura na kinalakihan nila.
Sagot ng aktres, “Wala naman akong tinuturo sa kanya… alam niya before pa ‘yung ‘grabe’, ‘ano’, ‘naman’, yung nga one liner lang, ‘di ba, kuripot, utot.”
Last Jan. 31, nag-celebrate ang magdyowa ng kanilang first year as a couple. Nagkakilala sila noong 2018 through their common friend Tim Yap.
May nang-intriga naman sa kanya kung naging kaibigan o may communication pa rin siya sa mga naging boyfriend niya noon.
“No, never, none of them. Pero baka naman I’ll say hi if nakita ko sila somewhere,” diretsong sagot ng dalaga.
Kumusta naman si Rhian ngayong naka-lockdown pa rin ang Metro Manila at ang buong Luzon dahil sa COVID-19. Aniya, miss na miss na niya ang kanyang mommy at mga kapatid at ang unang-una raw niyang gagawin kapag nakasama niya ang mga ito ay, “Aamuy-amuyin ko talaga sila.”
Dagdag pa niya, “I just want to go home to Alabang where my mom is, I’m getting angsty and going there always puts me in a good mood.”
Inamin din ng aktres na medyo nagiging “angsty” na rin siya kung minsan dahil sa ECQ, “Okay ako the first three weeks… Now, I’m a monster.”
Isa raw sa mga nagpapakalma sa kanya ngayon ay ang panonood ng hit Korean series na “Crash Landing on You” at para maiba naman daw ang sistema niya sa bahay, isang plato lang ang ginagamit niya for the whole day.
“China-challenge ko sarili ko today na buong araw isang plato lang gagamitin ko. Well, same amount lang din nakain ko, kasi hindi lang sila nagsabaysabay sa plato. Nagka-time slot lang sila,” chika pa ng Kapuso leading lady.
Siguradong miss na miss na ni Rhian ang karakter niyang si Kelly sa top-rating Kapuso series na Love Of My Life na nagpahinga muna sa ere matapos matigil ang kanilang taping dulot ng lockdown.