SA mura niyang edad, alam na ng anak nina Dra. Vicki Belo and Hayden Kho na si Scarlet Snow ang kahalagahan ng pagtulong sa mga nangangailangan.
Bata pa lang ay minulat at itinatak na nina Vicki at Hayden sa isip ng kanilang nag-iisang anak kung bakit kailangang magtulungan at magbayanihan sa panahon ng krisis.
Sa Instagram account ni Scarlet na mina-manage ng kanyang parents, may ilang video roon kung saan makikita ang bata na tumutulong sa pagre-repack ng relief goods at medical supplies para sa mga frontliners.
“More masks, gloves, gowns, intubation cubes, plus CHOCOLATES ready to go! Did you see what we wrote on the intubation cubes?
“It’s ‘Be strong and take heart, all you hope in the Lord.’ I hope it encourages the doctors, nurses, and the patients. Let’s all keep praying for them, ok? #covid19 #frontlinersph,” ang caption sa isang IG video ni Scarlet.
Bukod dito, nakaisip din ang bagets ng isa pang paraan para makatulong sa COVID-19 crisis. In-announce ni Scarlet sa Instagram na ipapa-auction niya ang kanyang mga drawing para makalikom ng pondo.
Sey ng bagets, ang proceeds ng auction ay ido-donate sa mga scientist ng Philippine Genome Center and Research Institute of Tropical Medicine para sa paggawa ng test kits.
“I have drawings from my live art session that my kuya @quarkhenares’ team is helping me to auction off.
“The money that will be raised will go to the Philippine scientists at Philippine Genome Center and Research Institute of Tropical Medicine. They’re trying to make test kits and they need our help,” message ni Scarlet sa kanyang followers.
Kung gusto n’yong magkaroon ng Scarlet Snow original drawing o sketch, just comment your bid sa IG posts ng bata at ang kanyang kuyang si Direk Quark Henares ang bahalang mag-track dito.
Kamakailan, pinasaya naman ng mag-asawang Vicki at Hayden ang mga frontliners sa mga ospital nang regaluhan nila ang mga ito ng chocolates.