‘NERI parang gutom na gutom na hineteng nagpapatakbo ng sobrang tamad na kabayo!’ | Bandera

‘NERI parang gutom na gutom na hineteng nagpapatakbo ng sobrang tamad na kabayo!’

Cristy Fermin - August 10, 2013 - 03:00 AM


Sana’y tantanan na lang ni Chito Miranda ang pagbibigay ng kung ano-anong pahayag tungkol sa lumabas na sex video nila ni Neri Naig. Sana’y hindi na siya naglalabas pa ng kung ano-anong materyales para tumigil na raw ang marami nating kababayan sa pamba-bash sa kanyang girlfriend.

Inilabas niya ang mga larawan ni Neri na nakikipaglaro sa mga katutubo, ang pagdalaw-dalaw ng aktres sa mga kababayan na-ting nangangailangan ng tulong, magandang gawain ‘yun pero mali ang tiyempo ni Chito para maglabas ng  ganu’ng pambawi para kay Neri.

Mainit pa ang isyu, walang kahit anong retrato ng pagmamagandang-loob ninuman sa kanilang dalawa ang makabubura ngayon sa utak ng ating mga kababayan ng mga ginawa nilang akto sa sex video, hindi niya mapipilit ang publiko na magpalit agad ng saloobin sa kanyang karelasyon, para sa mas nakararami ngayon ay iresponsable pa rin si Neri bilang isang babaeng pumayag na magpakuha ng video sa isang sitwasyong dapat ay nakatago lang, na sagrado pa nga kung tutuusin.

Unang-una, ganu’n pala at matindi ang pagrespeto at pagmamahal ni Chito sa kanyang girlfriend, bakit siya pumayag na kunan ito nang hubo’t hubad at parang hineteng nagpapatakbo ng isang tamad na kabayo?

Kung matindi ang respeto niya para kay Neri, di sana’y siya ang unang-unang nag-iingat para malagay ito sa kahihiyan, pero ginawa ba niya ang ganu’ng pagmamalasakit sa dalaga?

Ngayon pa siya gumagawa ng mga ganyang pambalanse, kung kailan ibinebenta na kahit saan ang kanilang sex video kung saan ipinakikita ang kanyang girlfriend na mas maalab ang kapusukan sa palabas, nasaan ang pagmamahal at malasakit sa pang-uumang niya sa kanyang karelasyon sa ganu’n katinding kahihiyan?

Tantanan na ang paghuhugas-kamay, ang pagbabanlaw, dahil anumang kahihiyang nasaksihan na nang daang libong mga mata ay nakasalang na sa pag-oopinyon ng husgado ng bayan.

( hoto credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending