IPINANUKALA ni House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang Negative Interest Loans para sa mga kompanya na apektado ng coronavirus disease 2019.
Ayon kay Salceda ang loan ay ibibigay sa mga kompanya kapalit ng pagpapanatili nito ng kanilang mga empleyado para maiwasan ang paglaki ng unemployment rate ng bansa.
Nagkakahalaga ng P350 bilyon ang loan package na panukala ni Salceda.
Ang maaaring utangin ng isang kompanya ay 50 porsyento ng labor cost nito.
Ang loan ay maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon na ang interest ay -9 porsyento, apat na taon na ang interest ay -7 porsyento at limang taon na ang interest ay -5 porsyento.
Kung ang kompanya ay lalabag sa kondisyon at magtatanggal ng empleyado, daragdagan ng tatlong porsyento ang interest ng utang nito. Kung ang aalisin sa trabaho ay 1-5 porsyento ng workforce ng kompanya ang interest ay tataas ng anim na porsyento, kung 5-10 porsyento ng empleyado ang tinanggal ang interest ay aakyat ng siyam na porsyento, at 12 porsyento kung mahigit sa 10 porsyento ng workforce ang matatanggal.
“To ensure that eligible micro, small, and medium enterprises (MSMEs) will have access to negative interest loans, LandBank and DBP shall open an SME Safeguard Facility dedicated exclusively to these enterprises,” ani Salceda.
Ipinanukala rin ni Salceda ang Credit Refinancing and Mediation Service (CRMS) upang matulungan ang mga MSMEs na makapagbayad ng mga utang nito bago pa ang Enhanced Community Quarantine.
Nagpasalamat din si Salceda kay Pangulong Duterte sa pag-apruba sa payroll protection program para sa mga middle class workers.
“I submitted to him a proposal on this measure last weekend, so I am thankful for the speedy and favorable action on my letter,” ani Salceda, co-chair ng House Economic Stimulus Response Package Cluster. “President Duterte’s plan is actually more generous at 51 billion. It will cover about 3.4 million workers. I proposed a broader coverage, to include self-employed workers. I will continue to work with the economic managers and with the House leadership to see how we can help them.”