167 sumalang sa community mass testing sa QC

UMABOT sa 167 katao ang sumailalim sa pilot run ng community based mass testing sa Quezon City kahapon.

Ayon sa Joseph Juico, Project Manager, bukod sa 65 na nagpa-test sa QCX sa Quezon Memorial Circle, anim pa ang na-test sa Novaliches District Hospital, 56 sa Quezon City General Hospital at 40 ang na-test ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) na nagsagawa ng house-to-house tracing.

 “The pilot testing went well but could still be improved to provide better service to our people,” ani Juico.

Tatagal ng tatlo hanggang limang araw bago lumabas ang resulta ng test.

 “If patients can do home quarantine, the city health will orient them with certain protocols and instructions for self-isolation so as not to infect people in their household. Additionally, a representative from their health center will call them everyday to constantly check on their symptoms,” ani Juico.

Ang mga magpopositibo ay maaaring dalhin sa Hope II, isa sa quarantine facility ng lungsod. Ang mga negatibo naman ay maaaring manatili sa bahay at pinapayuhan na mag-self quarantine sa loob ng 14 na araw.

Ayon kay Juico ang mga nais na magpa-test ay kailangang makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay health centers.

“Barangay health centers will do preliminary interviews and evaluation. Upon thorough assessment, those with symptoms will then be brought to the community-based testing centers by government ambulances or to one of our local hospitals,” paliwanag ni Juico.

Read more...