MULING nakipagsagutan si Angel Locsin sa isang netizen na nagsabing nagiging nega na ang imahe ng aktres dahil sa pagpatol nito sa mga bashers.
Nag-ugat ito sa ginawang pagtatanggol ni Angel kay Liza Soberano na inokray ng ilang haters nang magbigay ito ng komento tungkol sa “shoot them dead” na pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa magtatangkang manggulo habang naka-lockdown ang bansa.
Tweet ni Liza, “What our people need now is empathy not threats.” May isang netizen na nagsabi sa Kapamilya actress na tigilan na nito ang pagdakuda sa social media at tumulong na lang gaya nina Angel at Kathryn Bernardo.
Sinagot ni Angel ang netizen, “FYI, Tumutulong si Liza [smiley] what you’re doing is not helping.” Patunay dito ang mga litratong naka-post sa Inatagram kung saan makikita si Liza at pamilya nito na nagre-repack ng relief goods para sa frontliners.
Dahil dito, may netizen ang nagkomento na nagiging negative na raw ang imahe ni Angel dahil sa pagpatol nito sa mga trolls sa social media. Tweet nito, “Ang nega nega na ng image ni @143redangel sobrang daming time humanash jusko.”
Tugon naman ng Kapamilya actress, nais lamang niyang ipaalam sa madlang pipol na tumutulong din si Liza sa mga naapektuhan ng COVID-19 kaya hindi tamang awayin siya.
Deleted na ang palitan ng mensahe ng aktres sa netizen pero base sa sumunod na reply ni Angel, mukhang sinabihan niya ang netizen na mag-repack na lang ng relief goods kesa mang-okray. At mukhang nainsulto naman sa sinabi niya ang netizen.
Patuloy na paglilinaw ni Angel, “Nababash si hopie (Liza). Nag salita ako ng totoo na tumutulong sya, na totoo naman.
“Nagalit ka. Bakit? Anong mali dun? Nasaang part dun na sinabi ko ang tulong ko?
“Sorry wala lang akong pasensya sa attitude mo, lalo na ngayon, na puro reklamo as if ikaw lang ang may karapatan sa mundo,” sabi pa ng fiance ng film producer na si Neil Arce.
Ang ending, humingi pa rin ng pasensiya si Angel sa netizen kung na-offend ito sa mga sinabi niya.
“Thank you. sorry kung na hurt ka sa sinabi kong mag repack ka kesa maging nega para hindi sayang ang data. maganda ang intention ko dun, promise pwede mo na akong hindi i-mention pa sa replies mo [smiley emoji] Ingat!” mensahe ng aktres.