Kamara may pagdinig kaugnay ng giyera kontra COVID-19

MAGSASAGAWA ng pagdinig ang Kamara de Representantes mamayang hapon kaugnay ng mga hakbang na ginagawa ng gobyerno sa paglaban sa coronavirus disease 2019.

Sa halip na pumunta sa Kamara, ang mga kongresista at guest na kasali sa pagdinig ng House Defeat COVID-19 Committee (DCC), Sub-committee on Economic Stimulus Package, ay mag-uusap-usap sa pamamagitan ng app na Zoom.

 Itinakda ang pagdinig alas-1 ng hapon.

Pamumunuan nina Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority Leader Martin Romualdez at kasama sa mga imbitado sina Finance Sec. Carlos Dominguez III, Labor Sec. Silvestre Bello III, at GSIS Chairman Rolando Macasaet.

Kasali ang media sa Zoom meeting.

Read more...