MAHIGIT sa 4,000 construction workers ang hindi nakauwi sa kani-kanilang bahay nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine noong nakaraang buwan.
At dahil no work no pay ang mga ito, marami sa kanila ay wala ng pambili ng pagkain.
Ayon kay Construction Workers Solidarity (CWS) party-list Rep. Romeo Momo Sr., marami sa mga construction workers na ito ay nasa Metro Manila, Regions 4-A at 4-B at Central Luzon.
“They are the so-called ‘stay-in’ in their construction sites. Mayroon silang barracks doon at lingguhan lang sila kung umuwi sa kani-kanilang bahay o pamilya. While those who are from far provinces only leave the job sites after finishing the project. When the ECQ was implemented, unfortunately, so many of them were not able to go home,” ani Momo.
May mga employer umano na hindi na nagbibigay ng pangkain ng mga obrero.
“Good thing there are kind-hearted government officials like Senator Sherwin Gatchalian and Mayor Rex Gatchalian of Valenzuela City, and even media organization particularly the Quezon City Press Corps and others, who after learning the sad plight of our beloved construction workers, very willingly extended their helping hands,” ani Momo.
Magsasagawa ng food pack distribution ng CWS sa mga construction workers. Ibinigay na rin ni Momo ang kanyang dalawang buwang suweldo para rito.