2 huli sa buy-bust

ARESTADO ang dalawang lalaki sa buy-bust operation sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Nelmier Lucinario, 39, driving instructor ng A1 Company, at ng Project 4, at Patrick Dave Padiernos, 23, call center agent, at ng Brgy. East Fairview.

Naaresto ang mga suspek alas-9 ng kagabi sa kanto ng P. Burgos st., at P. Tuazon Blvd., Brgy Escopa 1, Project 4, matapos makabiling P500 halaga ng shabu ang isang poseur buyer.

Narekober umano sa mga suspek ang pitong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P24,500.

Read more...