Sexy DOTA gamer na nali-link kay Alden nagsalita na: Katuwaan lang

MUKHANG na-bash at naokray nang bonggang-bongga ang isang female gamer matapos ma-link kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Ang tinutukoy namin ay ang artistahin at seksing gamer na si Bianca Yao na kilalang-kilala sa e-Sports community sa bansa. 

Ayon sa mga natizens, si Bianca ay isang popular streamer sa Facebook na naglalaro ng Defense of the Ancients 2 (DOTA), ang online game na nilalaro rin ni Alden.

Nagsimulang matsismis ang dalawa matapos bigyan ng Pambansang Bae si Bianca ng “stars” bilang regalo sa mga tulad niyang adik sa live stream DOTA.

Ang “stars” ay isang FB currency na may equivalent monetary value sa tunay na buhay among online gamers.

Kaya naman huling-huli si Bianca na kinilig sa gesture ni Alden. Dahil dito, pinasasalamatan niya ang Kapuso heartthrob sa live stream nito, “Wala na, nawala na ako sa laro. Hi Alden, thank you for the stars.”

Biniro rin niya ang TV host-actor, “Sige na nga ‘di na kita bubugbugin, aalagaan na lang kita.”

Pagkatapos nito, nang mag-live stream muli ang female gamer nakiusap siya na huwag lagyan ng malisya ang pagbibigay sa kanya ni Alden ng stars sa DOTA. Feeling ng mga netizens, may mga fans si Alden na nangnega kay Bianca kaya agad itong nag-issue ng statement.

“Gusto ko lang linawin na walang nagbibigay ng malisya dito. Katuwaan lang naman ito.

“Gusto ko lang linawin ulit na hindi naman ganun. Kagaya nung sinabi ko dati, ‘yung tao mabait lang talaga and gusto lang niya magpasaya ng ibang tao.

“Lagi kong sinasabi na hindi lang ako ‘yung binibigyan niya ng stars. Hindi lang ako ‘yung binibigyan niya. Kaya ‘wag niyo pong bigyan ng malisya lahat ng bagay na ginagawa niya,” depensa ng dalaga.

Sabi pa ng sikat na Facebook streamer, naiintindihan niya ang fans ni Alden dahil tagahanga rin siya ng binata, “Lalo na sa fans niya, naiintindihan ko naman yung concern n’yo. Minsan may blind spot lang tayo bilang fan.

“Dapat nirerespeto rin natin kung anong gustong gawin ng idol natin without kahit anong panghuhusga o malisya. Bigyan na lang natin sila ng freedom na gawin kung anong gustong gawin nila. Kasi ang hirap para sa kanila na kahit anong galaw nila binibigyan natin ng kahulugan.

 “At saka, ngayon ko lang sasabihin ‘to! Wala pa nga sa getting to know part e! Gusto agad? Wala ‘yun!” chika pa ni Bianca.

Read more...