TALAGA namang nakaka-happy ang pagkain ng chocolate.
Marami na ang nagpatunay na kapag nagpapak ng chocolate sa mga panahong stress at malungkot ka, biglang magbabago ang feeling mo.
Ito marahil ang dahilan kung bakit naisipang mamigay ng tsokolate ang mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho sa mga frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.
Sa Instagram, ipinost ni Dra. Belo ang isang video kung saan ibinandera niya ang kahun-kahong chocolate na ipamimigay nila ng asawang si Hayden sa health workers mula sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila.
Ayon pa sa celebrity doctor, ito raw ang favorite brand niya ng chocolate at sana raw kahit paano’y mapangiti nila ang mga bayaning frontliners sa pamamagitan ng kanilang munting regalo.
Nag-post din si Hayden ng ilang litrato sa IG kasama ang mga healthcare workers na bitbit na ang mga paper bag na naglalaman mga tsokolate.
“Chocolates will not cure COVID-19, but it will be a cure to frontliners who are enduring toxic work environment. Mission accomplished!” caption ni Hayden sa kanyang mga IG photos.
Ibinalita rin ng mister ni Vicki na ang saya-saya ng feeling nang makabalik siya sa ospital kung saan siya nag-medical training.
“Finally back in San Lazaro hospital after 15 years! I did 1 month of medical clerkship here and I loved my experience – toxic but the doctors and nurses are so dedicated to learn and to serve,” mensahe pa ni Hayden.
Ilan pa sa mga ospital na binisita niya para pasayahin ang mga frontliners ay ang Lung Center of the Philippines, Philippine General Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, RITM, UST at Makati Medical Center.