AKTIBO rin ang pamilya nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kasama ang mga anak na sina Mavy at Cassy sa pagpapaabot ng tulong sa mga apektado ng COVID-19 crisis.
Sa gitna ng enhanced community quarantine, ibinahagi ng Bilangin ang Bituin sa Langit star ang kanilang mga na-pack na relief goods katulong ang asawa na si Carmina at kambal na anak sa kanyang Instagram account.
“Doing our part @mina_villarroel @cassy @mavylegaspi thank you for your effort and support para sa mga nangangailangan #toGodbetheGlory,” ani ni Zoren.
Naantig naman ang puso ng mga netizens sa simple gesture na ipinaabot ng Legaspi family ngayong panahon ng krisis.
“Ang bait po ng family nyo tumutulong kayo sa mga nangangailangan. Stay safe and God bless po sa Legaspi Family!” comment ng isang netizen.
“Sana’y mas dumami pa ang tulad nyo na marunong mag share ng blessing. Hulog kayo ng langit sa mga mahihirap pati na ang iba pang artista na hindi nagdadamot ng tulong sa nangangailangan,” pahayag naman ng isa pang IG follower ni Zoren.
Samantala, dahil tigil muna sa taping ang mga teleserye ngayon dahil sa ECQ, pansamantalang napapanood ang Alyas Robin Hood kapalit ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.
* * *
Nag-umpisa na rin ng fundraising drive ang Kapuso moms na sina Iya Villania, Pauleen Sotto, Camille Prats, Chynna Ortaleza, LJ Reyes at Chariz Solomon para sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Tinawag nila itong “Project: Alalay Kay Nanay” na naglalayong mabahaginan ng pagkain, vitamins at iba pang pangangailangan ang babies na may mga magulang na kulang ang kinikita o di kaya’y walang trabaho dahil sa lockdown.
Naniniwala ang celebrity mommies na, “When moms unite, amazing things happen.”
Para sa karagdagang impormasyon at sa mga gustong mag-donate, bisitahin lamang ang official Instagram at Facebook page ng Alalay Kay Nanay (@alalaykaynanay).