IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang imbestigasyon sa ulat na isang biktima ng coronavirus disease (COVID-19) ang namatay matapos tanggihan ng anim na ospital sa Cabanatuan City.
“Itong namatay na hindi tinanggap ng anim na hospital. I don’t know if this is true. For example, there’s a patient in the City of Cabanatuan who was refused admission by six hospitals,” sabi ni Duterte sa kanyang public address.
Idinagdag ni Duterte na dapat ay tanggapin ng lahat ng ospital ang mga pasyenteng nais magpagamot.
“Alam mo, you know guys, alam ninyo mali ‘yan. So ‘pag totoo ‘yan, I will really ask the Justice Department to prosecute you kasi alam ninyo na hindi pwede ‘yan, especially the government hospital,” dagdag ni Duterte.
“Merong gobyerno. You could have just looked for a house there na ano o kwarto kung saan adjunct diyan sa hospital at i-sanitize na ninyo at doon ninyo nilagay,” giit pa ng Pangulo.
Nagbanta si Duterte na mananagot ang mga ospital na sangkot sa diskriminasyon ng mga tinatamaan ng COVID-19.
“Kaya lahat na magkasakit, heart attack, appendicitis, pumutok ang kung anong puputok diyan, pumutok ‘yung utak, especially government hospital, my order is: must accept admission. You fail on that, I will relieve all of you sa hospital and you can consider yourself suspended because the written order will follow,” banta pa ni Duterte.