Duterte sa nanghaharass ng health workers: Dalhin mo sa Bicutan, huwag mong i-release

President Duterte

INATASAN ni Pangulong Duterte ang agarang pag-aresto sa mga sangkot sa panghaharass ng mga health workers.

“I’d like to order the police. If there’s a report of somebody harassing or facing a discriminatory act, you arrest the person. Huwag mong bitawan hanggang hindi ko sinabi na bitawan. Tawagan ko lang kayo kung panahon na ano. Lalo na ‘yang binabato ‘yung bahay. Hulihin mo. Dalhin mo sa Bicutan, huwag mong i-release,” sabi ni Duterte sa kanyang public address.

Idinagdag ni Duterte na hindi katanggap-tanggap ang nangyayaring diskriminasyon sa mga frontliners ngayon panahon ng pandemic dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

“Alam mo, ‘pag tinamaan kayo ng COVID, didiretso kayo sa ospital pagka grabe na kayo. Sinong nagsusugal ng buhay nila doon? ‘Yung mga doktor pati ‘yung health workers,” ayon pa kay Duterte.

 Idinagdag pa ni Duterte na naglinis na ng kanilang katawan ang mga health workers bago pa man lumabas ng ospital.

 “Bakit ninyo…? Tutal paglabas niyan sa hospital, hoy, mga g***, cleaned na ‘yan sila. Naghugas na ‘yan. ‘Yung mga damit nilang sinuot doon hinubad na. Hubad lahat, walang naiwan. Panibago. So huwag ninyong i-discriminate ‘yan,” paliwanag pa ni Duterte.

Nagbigay pa ng payo si Duterte sa mga mabibiktima ng diskriminasyon.

 “Kung ganun, huwag kayong magpa-ospital. At kayo namang mga health workers, kung nakita ninyo ‘yung tao nagbato ng bahay ninyo, nandoon sa ospital ninyo, alam mo na. Alam mo na kung anong gawain mo,” sabi ni Duterte.

Ani Duterte ituro lamang siya sakaling idemanda ang mga frontliners.

“Ituro mo sa korte siya. Okay lang ‘yan tutal… At ‘yung nasa preso naman, huwag mong pakainin. Hayaan mo magutom. Ang titigas ng ulo ninyo, ‘yung mga tao… So nagsusugal ng buhay, naghihirap tapos ganunin ninyo,” aniya.

 

 

Read more...