Angel hindi na tatanggap ng cash donation; nakalikom na ng P10.9M  

HINDI na tatanggap ng cash donation ang grupo ni Angel Locsin para sa kanilang fundraising project na #UniTentWeStandPH.

Ibinalita ng Kapamilya actress na as of April 13, nakalikom sila ng kabuuang halaga na P10,956,702.98. Sa kanyang Instagram post, ipinakita rin niya ang breakdown ng lahat ng expenses, kabilang na ang pagbili ng 12×24-meter tents.

Ang nasabing charity project ang naisip nina Angel para makatulong sa mga frontliners sa pamamagitan ng pagbibigay ng specialized tents para sa mga COVID-19 patients at medical workers.

“Because of your overwhelming support, we are happy to announce that we have sufficiently funded the #UniTENTweStandPH campaign.

“With a full & grateful heart, we are now ending the fundraising & will no longer accept CASH donations through PayPal, Paymaya, or bank account,” mensahe ni Angel sa nasabing video.

Siniguro naman ni Angel na kahit tapos na ang kanilang fundraiser, ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpapatayo ng tent para sa mga frontliners gamit ang natitira pang pondo mula sa  

#UniTENTweStandPH.

Sa isa pang post ni Angel, sinabi nitong hindi na rin sila nagdo-donate ng sanitation tents bilang pagsunod sa panawagan ng Department of Health, “Due to your generous donations, we were able to provide tents to 69 hospitals to date. During this process, some hospitals have requested sanitation tents to help decrease the viral load for those coming in and out of their health care facility. The team was able to find a credible supplier complete with certification of effectivity and safety.

“Respecting the DOH latest announcement dated april 10, 2020 at 5pm, #unitentwestandph would no longer be donating sanitation tents but would still continue to help our healthcare frontliners with tents that they may use for themselves or for patient care.”

“Binuo po ang #UniTENTweStandPH para po makatulong kahit papano sa overcrowding situation sa hospital, sa mga pasyente hindi na po nagagamot, sa mga health workers na hindi nabibigyan ng tamang proteksyon, sa mga pasyenteng nahahalo sa ibang mga cases. Ayun po ang dahilan kung bakit po tayo nandidito,” aniya sa pagsisimula ng kanilang proyekto kontra-COVID-19.

Read more...