Arnold Clavio nanindigan kontra fake news; pumalag sa balitang nilayasan ang social media

MAY nagpapakalat na nag-delete o wala na umano sa social media ang batikang journalist na si Arnold Clavio.

Ito ay kuneksyon sa ginawa nitong expose sa pagtatago umano ng totoong bilang ng namatay dahil sa coronavirus disease at sa mga nagtatambakang bangkay sa East Avenue Medical Center.

“May nagpadala lang po sa akin at ikinakalat na ang post na ito. Sorry to dissapoint po. Hindi ko alam saan mo nakuha ang impormasyong ito. Mas madaling mang-intriga at magtago sa terminong ‘fake news’ kaysa sagutin ang inilatag na mga isyu. Nandito pa ako sa Instagram at walang planong umalis. Hanggang ngayon nga ay ‘disabled’ pa rin ang aking Facebook account at messenger. Salamat sa nagsumbong sa FB. 😊. I am a Journalist from mainstream media @gmanetwork at @dzbb594. Hindi ako nag-create lang ng account sa social media at bigla entitled nang pumuna o pumuri kung saan mas makikinabang.Titulado at may marangal na trabaho at regular na suweldo. At marami na rin naman akong expose na hindi talaga magugustuhan ng mga mawawalan ng pakinabang.”

Aniya marami nang nasabi tungkol sa kanyang inilabas pero inulit nya na hindi niya layong magbigay ng kritisismo na walang ‘factual basis’ kundi magbigay lamang ng atensyon sa mga otoridad sa isang bagay na nakapangangamba.

“Much has been said about what transpired but if I may state and reiterate my position. The intent was not to call out or to criticize without any factual basis, but to bring to the attention of the authorities an urgent matter that is both worrisome and alarming.” sey ni Igan.

Dagdag pa nya, bago pa sabihin sa kanya ay ipanarating na raw ito sa mga namumuno pero walang nangyari.

“Ipinarating na nila sa namumuno bago sa akin. Pero walang nangyari hanggang umamoy na ang naagnas na mga bangkay.”

Sa huli, sinabi ni Igan na hindi siya nagpapalaganap ng ‘fake news’ at nais lamang nyang magbigay liwanag sa katotohanan.

“I do not peddle fake news. At puwedeng balikan ang aking mga post – #notofakenews. Neither am I courting public attention at the expense of public welfare. I hope you don’t see me as antagonist because all I ever wanted was to bring light to the truth. The truth shall set us free. Thank you. Be safe everyone! #labanlang”

 

Read more...