ISINUSULONG ng pamahalaang lungsod ng Cebu ang pagpataw ng parusang community service sa mga lalabag sa social distancing protocols.
Sinabi ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na inatasan niya ang konseho na lumikha ng ordinansa na magpaparusa sa mga susuway sa mga batas na may kaugnayan sa Covid-19.
“I am now asking our city councilors to pass an ordinance that if there should be any violation, those caught will be put to do community service,” ani Labella.
Ginawa ng alkalde ang anunsyo ilang araw makaraang dumugin ng mga residente ang Carbon Public Market upang bumili ng panghandang pagkain para sa Semana Santa.
Maraming netizens naman ang nagalit nang makita ang mga larawan na nakunan sa palengke dahil maaari umanong mas dumami pa ang madapuan ng virus dahil sa pangyayari