GRABE pala ang “Boyfriend Prank” which Ivana Alawi posted on her YouTube account.
Imagine, it had 8,144,413 views and 73,523 comments as we write this.
Nakipagsabwatan si Ivana sa internet sensation na si DJ Loonyo na nagkunwaring boyfriend niya.
Ang biktima nila ay ang mother ni Ivana na si Fatima. Nag-monthsary video call sila kaya nabisto ni mother Fatima ang kanilang relasyon kuno.
“Sobra magmahal ‘yan. Huwag kang magkakamali. Iyan, todo ‘pag nagmahal, ibibigay niya lahat ‘yan. Lahat na.
“Nakita ko na ‘yan, ilang beses nang umiyak ‘yan. Yari ka sa akin!” Fatima told DJ Loonyo.
Ipinaliwanag naman after ng video call prank ni Ivana sa kanyang madir na hindi totoo ang tungkol sa kanyang ng binatang internet sensation na sumikat sa kanyang dance videos sa Facebook.
Pero mas kinilig pa ang kanilang followers nang ituloy ng dalawa sa Twitter ang pakikipag-flirt sa isa’t isa.
Tweet ni DJ Loonyo, “Hi @ivanaalawi Question” with blushing smiley at nakatakip ang mukhang emoji.
Reply ni Ivana, “Yes ano un?” Na sinagot ni DJ Loonyo ng hugot question na, “Camera ka ba?”
Sabi ni Ivana, “Bakit napipicture mo na ba buhay mo sakin? Hahaha.” Na sinagot ng viral DJ ng, “Haha di ‘PA’ naman. Pero everytime I look at your pictures, I can’t help but…… smile.”
Banat naman ni Ivana, “Ambot sa imo! Behave ka naaaa lagot ka kay mama” na sinagot ni DJ Loonyo ng, “Okay behave na po Ayoko mastress si ‘Mama’ Haha Goodnight.”
Incidentally, sa Gandang Gabi, Vice kagabi ay muling ipinalabas ang guesting ni Ivana.
When Vice Ganda asked kung bakit ang daming nahuhumaling sa kanya, Ivana replied, “Alam mo, hindi ko nga rin alam, eh. Maraming nagme-message sa akin na parang (sinasabi), ‘hoy, ikaw ang dahilan kung bakit kami nag-break ng boyfriend ko.’”
“Nasira ko ‘yung relasyon na hindi ko naman sinasadya. Ni hindi ko nga kilala ‘yung lalaki,” dagdag pa ni Ivana.
Para maiwasan ito, may payo ang sexy star.
“Kasi sine-save nila ‘yung picture ko, scroll down n’yo na lang o kaya patayin ninyo kapag nakatingin (ang GF ninyo),” say niya.