MAHAL na Araw last week pero hindi ito pinalagpas ni Alessandra de Rossi dahil nakipagsagutan talaga siya sa isang basher.
Ito’y nag-ugat sa issue na ibinabato sa mga celebrities ngayong panahon ng crisis, lalo na sa mga kumokontra sa mga relief efforts ng government para sa mga affected ng COVID-19 pandemic.
“Wala daw kaming karapatan na mga artista magsalita. Totoo naman yun. Sino ba seseryoso sa amin? Di naman kami eme lang naman. Pagmimeetingan pa ba natin to? #YUNGTOTOO,” tweet ni Alex.
“You got that right!! Let’s not argue that you all can’t act and neither knows the law.. so stop being a whiner.. everything you post is just all nonsense.. and that’s SAD,”
@iamjoybplenos replied.
“Exactly my point. Why are you making sense out of Mas magaling ba ako umarte sa twitter at ganyan ka kaaffected? I can change for you!” sagot ni Alex.
“You need to wake up being such a garbage.. that’s all,” mataray na reply ni @iamjoybplenos.
“Unang-una, Maundy Thursday ngayon, so wag mo ako i tweet ng kung ano anong masama.
Pangalawa, zero ang followers mo, pwede bang magtawagan na lang tayo?”
“Blinock ako! Pagkatapos kong sabihing i can change for you? Nasaktan ako okay. Ready akong gawin ang lahat eh!”
‘Yan ang magkasunod na tweet ni Alex.
May isang nang-okray kay @iamjoybplenos pero mas mataray ang sagot nito, “I don’t need anyone money… I work and I make $2500 a week puede kita bilhin.”