Interes ng sangla dapat ibaba


INIHIRIT ng pamahalaang lungsod ng Pasay na tapyasan ang interes na ipinapataw ng mga sanglaan upang mabawasan ang alalahanin ng mga Pinoy.

Sa resolusyon na inaprubahan noong isang linggo, umapela ang konseho sa mga may,-ari ng sanglaan na bawasan ang tubo na ipinapatong sa mga alahas at iba pang items bilang tulong sa naghihirap ngayong panahon ng Covid-19.

Ayon sa mga konsehal, marami ang nawalan ng pinagkakakitaan simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong Marso 17. Nakatakda itong alisin sa katapusan ng buwan.

“Many families, especially those who belong to the working and informal sectors, are deprived of the opportunity to earn to support their basic needs and to pay for their bills such as rent, utilities and the like, which forced them to pawn their personal properties,” ayon sa resolusyon.

Inaprubahan ang panukala noong nakaraang Huwebes.

Read more...