NAKAKAKILABOT ang ibinahaging tula ni John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram account ngayong araw.
Ito’y bahagi nga ng in-announce nila ng dating ka-loveteam na si Bea Alonzo sa IG tungkol sa kanilang project together na may titulong “Unconfined Cinema.”
Isang black-and-white video ang ibinahagi ni John Lloyd sa IG kung saan mapakikinggan nga ang pagbabasa niya ng isang tula mula sa hawak niyang notebook.
Mahina at mababa ang boses ni Lloydie sa video kaya hindi masyadong maintindihan pero habang pinakikinggan mo ito ay kikilabutan ka talaga dahil na rin siguro sa boses ng aktor na parang nananakot.
“Isang tula para sa panahon nang pakikidigma para sa katotohanang walang sinuman ang magkakamit. Mamamatay tayong mangmang,” ang inilagay na caption ni John Lloyd sa kanyang video.
Bago ito, sabay ngang nag-post sina John Lloyd at Bea tungkol sa “Unconfined Cinema” kung saan makaka-collaborate nga nila ang mga direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.
Nakasama nila ang dalawang filmmaker sa live script reading ng blockbuster movie na “That Thing Called Tadhana” last February.
“Over the next week, we will be performing a work of fiction on Instagram. (It is a love story and it is about these times.) Any resemblance to persons, living or dead, is intentional,” ang “twinning” IG post ng Kapamilya loveteam.
Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang bagong post si Bea sa IG para sa “Unconfined Cinema.”