Pusher isinumbong sa text message

DAHIL sa isang text message, nasakote ang 42-anyos na lalaki na nagbebenta umano ng ipinagbabawal na gamot sa Quezon City kanina.

Si Ruther Arzala Jr., 42, tricycle driver, at ng Roque 1, Brgy. Pasong Tamo, ay naaresto sa isang buy-bust operation.

Nakatanggap ng isang text message ang pulisya kaugnay ng pagbebenta umano ng ipinagbabawal na gamot ng suspek.

Isang poseur buyer ang nakapasok umano sa network ng suspek at bumili ng P500 halaga ng shabu.

Naaresto ang suspek alas-2:45 ng hapon sa kanto ng Philand Drive at Don Mariano st., Brgy. Pasong Tamo.

 Narekober pa umano sa suspek ang P6,800 halaga ng shabu.

Read more...