80 nalason sa Sagay City, nakarekober na

 

GUMALING na ang 80 katao mula sa tatlong barangay na nalason sa kinain na minatamis noong Biyernes Santo sa Sagay City.

Ayon kay Wally Afuang, hepe ng Sagay City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakalabas na ngayong araw mula sa Alfredo E. Maranon Sr. Memorial District Hospital at Lopez District Farmers Hospital Inc. ang mga na-food poison.

Ang mismong lokal na pamahalaan ang sumagot sa gastusin sa ospital ng mga biktima.

Sa bilang, 61 ang binigyan ng first aid habang ang 49 ay namalagi nang mahigit isang araw sa ospital, ani Sagay Mayor Alfredo Marañon III.

Napag-alaman na nalason ang mga residente makaraang kumain ng

“binignit,” isang klase ng minatamis na inihahanda tuwing Biyernes Santo.

Ani Afuang, gawa ang “binignit” sa halamang ugat na kayos, na nakalalason kung hindi maayos ang preparasyon.

Nakalalason din ang kayos kapag kinain nang hilaw.

Read more...