NASAWI ang lalaki na naka-detain sa Sta. Ana Police Station sa Maynila habang naliligo noong umaga ng Miyerkules Santo.
Ayon kay Lt. Col. Carlo Manuel, tagapagsalita ng Manila Police District o MPD, hinihinalang sakit sa puso ang ikinamatay ng di-kinilalang biktima.
Ani Manuel, walang sintomas ng Covid-19 ang biktima bagaman siksikan ang mga detenido sa nasabing pasilidad.
Gayunman, isasailalim sa awtopsya ang biktima upang madetermina ang ikinamatay nito.
MOST READ
LATEST STORIES