13 foreigners na stranded sa Visayas makakauwi na
LABING tatlong foreigner na na-stranded sa Leyte at Southern Leyte ang ire-repatriate matapos ang 14 araw na quarantine sa mga ito.
Nagtulong-tulong ang Port Management Offices ng Western Leyte/Biliran at Bohol, at Department of Tourism Region VIII para mai-repatriate ang mga stranded na British, German, Finnish at Danish.
Ang mga ito ay ibiniyahe mula sa Port of Hilongos papuntang Port of Ubay.
Ang Leopards Fastcraft 1 na sinakyan ng mga foreigner ay umalis ng Port of Hilongos alas-12:30 ng tanghali kanina.
Sila ay dadalhin sa Manila kung saan sila isasakay sa ‘sweeper flight’ papunta sa kani-kanilang mga bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.