LJ Reyes inaatake ng anxiety,  insomnia dahil sa COVID-19 

INAMIN ng Kapuso actress na si LJ Reyes na nakararanas siya ng insomnia at anxiety sa gitna ng patuloy na global health crisis. 

Ibinahagi niya ito sa isang emosyonal na mensahe sa kanyang Instagram account kamakailan kung saan napatunayan daw niya na hindi biro ang pagkakaroon ng depresyon habang naka-lockdown ang bansa.

“It’s been hard. Ako lang ba? Or kayo din? I want to share that I haven’t been sleeping well at night. “Honestly, since Summer was born, puyatan naman talaga. Pero napansin ko since 3 weeks ago, mas di ako makatulog talaga no matter how sleepy I am. And it feels like an everyday battle,” ani LJ.

Dagdag pa ng Kapuso star, taimtim na dasal ang isa sa mga nagpapakalma sa kanya.

“Akala ko di ako nase-stress sa mga nangyayari. But maybe subconsciously, I am feeling it. Pero I have been praying every single day! Every second! And honestly it calms me down,” aniya pa.

Nagpasalamat naman siya sa boyfriend na si Paolo Contis dahil ang aktor daw ang nagpapasaya sa kanya.

 “Kaya rin siguro itong baliw na ‘to ‘yung ibinigay ni Lord sa akin para no dull moments! Sa mga ganitong panahon, kasi worrier ako, nare-realize ko bakit siya ang nasa tabi ko!” pahayag pa ni LJ.

Sa hiwalay na post, sinabi naman ni Paolo na excited na siyang maka-date muli si LJ.

 “I can’t wait to bring you to a proper date again after this. For now, K-Drama marathon muna ang date night natin gabi gabi!! @lj_reyes saranghaeyo!” pahayag ng Kapuso actor.

Read more...